Sunday, August 26, 2007

da sign

A few days before my classes resumed (dahil sa long "bagyo"-filled weekend), I was asking the Lord for a sign that I should continue Law. Ilang araw na rin kasi akong hindi pumapasok at pakiramdam ko ay nakakasuka na. So come Tuesday, takot na takot ako pumasok. Si Balane pa naman ang prof. at terror yon. Buti na lang, walang recit, kaya safe. Wednesday naman, mas lalo akong kabado kasi si Jacinto yon at isa pa lang beses akong natawag sa kanya. Patay ako pag natawag dahil andaming kasong dapat aralin at di ko kabisado sila lahat. But no, hindi siya nagparecite. After niyang matuyot sa recit ng isa kong kaklase, lecture na lang. Wahoo! Ready naman ako sa class ko kahapon so keri lang. So yon, siguro nga stay na ako. Too late to turn back. Masaya pa rin naman pala ako sa iba kong inaaral. Ahahahaha. Sa Labor at Succession oo, masaya. Sa Corpo, oh well, stockholders and directors are boring. Or maybe it's the font of Campos' book. As for Transpo, aaralin ko na lang siya sa mga dadating na summer. Or sa 5th year, parang Torts.


Sunday, August 19, 2007

step one

Na-gets niya na. Finally! Sa kalagitnaan ng aming pananghalian na tausi spareribs, king dao spareribs, lechon macau, at beef with broccoli (oo na, marami para sa dalawang tao), pagkatapos niya magkwento ng kanyang opinyon ukol sa mga nangyayari sa kanilang magkakapatid, nagawa ko na sa wakas. Tumitiyempo pa ako hanggang sinabi ko na na "ma, maghahanap na ako ng ibang trabaho ha". Siyempre pinipigil kong tumulo ang luha ko, pero gumagaralgal na noon ang boses ko. Tapos sabi niya "yung sa akin eh kung hindi na kayo masaya..". Shempre may-I-kwento ako nung ibang nangyari sa office na nakaka-turn off talaga tapos medyo jinajustify niya pa na lahat naman daw ng opisina may ganun. Nasabi ko na lang na "ayoko na talaga sa kanila" at natameme na siya. Siyempre sabi ko hindi naman ako aalis na walang lilipatan.

Kahit pa lumabas sa ilong yung sagot niya, basta pumayag na siya. Wahoo! Although that doesn't solve my problems but at least meron nang "blessing" ni inay.

Next step, submit resumes. Ngehehehehe.

*note to mind: wag iisiping papalpak ka agad (repeat 50 million times)

Saturday, August 18, 2007

very late quarter life crisis

Dahil nga sa aking naging "session" with the SoulCard Reader, sobrang daming bumabagabag sa utak ko ngayon. Karamihan tungkol sa mga desisyon na nagawa ko noon at kung bakit nga ba ako nasa kinalalagyan ko ngayon. Isa-isahin ko nga:

TRABAHO

Kaya ako napunta dito sa kumpanya ko ngayon (na pitong taon ko nang pinagsisilbihan ha!) eh dahil pressured na akong magkatrabaho nung mga july 2000. Shempre hindi ako natanggap sa scholarship sa Spain so mga june na ako nagsimula maghanap ng trabaho. Eh alam ko namang kailangan ko nang makahanap nun kasi nga lumayas kami sa lola ko di ba. So hanggang saan lang aabot pera ng nanay ko. Saka insecure din ako nun sa course ko, kaya sabi ko dapat may training program. Ayun, napunta ako sa Pioneer, Management Trainee.
Naisip ko din masyado akong duwag. Natakot akong ma-reject ng ma-reject. Kaya kahit nung mga panahon na sinubukan ko mag-apply sa isa-dalawang opening, pag hindi ako natatanggap pinanghihinaan na ako ng loob. Isa pa dun yung pakiramdam ko na sino pa kayang matinong employer from a non-insurance field ang kukuha ng kagaya ko na puro insurance lang ang alam at tatapatan ang sweldo ko.

At ang isa sa pinakamabigat na consideration sa paghahanap ng trabaho eh yung sahod nga. Mahirap nang magshift sa mababang sahod lalo na't pati nanay ko sa amin nakaasa. At isa pang factor na hindi sha ganun ka-supportive sa paghanap ko ng ibang work kasi akala niya yata sobrang okay ko na sa trabaho ko (isipin mo nga naman, AVP at the age of 27, although ang sweldo ko is parang pang-supervisor lang, pweh!). Hindi kasi naranasan ng nanay ko na mamasukan talaga sa isang kumpanya.

Kaya eto ngayon, pitong taon na pala akong NAGTIYATIYAGA sa opisinang pinapasukan ko. Wala na talagang challenge. Kahit pa sabihin na ibigay saken ang mga responsibilidad ng boss ko (in reality, kaya ko naman gawin, or pag-aralan kaagad gawin lahat ng trabaho niya), wala nang thrill. Hindi na ako motivated. Ang tanging motivation na lang ay ang mawiwithdraw ko sa ATM ko tuwing payday. Kapag iniisip ko na magtatagal pa ako sa kumpanyang yon, nalulungkot lang talaga ako. Shempre nanghihinayang ako sa mga maiiwanan kong mga kaibigan kasi talagang "tight" na kami ng ibang tao doon. Pero ngayon, ang pakiramdam ko is AYOKO NA TALAGA DOON MAGTAGAL.

LAW SCHOOL

Pakeningshet. Related din ito sa trabaho eh. Kundi pa ako tinanong ni Sandy kung bakit ako pumasok sa law school hindi ko talaga ito iisipin ulit. Pero eto na aaminin ko na, kaya talaga ako nagdecide mag-law eh para maalis yung utak ko sa conflicts sa trabaho. Inisip ko noon na pag naging abogado ako, mas madali ako makakahanap ng trabaho or kahit na dun sa opisina namin, mas madali ako mapopromote. Kamote kasi yung amo ko eh, duwag sa amo niya. Palibhasa takot lumaban at takot na mawala sa "circle" ng amo niya, lahat ng aksyon niya eh puro "pabor" kay bossing. LITSE!

Kaso eto na, third year na ako ngayon, andami ko na ring kaibigan sa law. Sabi rin naman ni Sandy, sayang nga raw kung hindi ko pa tapusin. Kaso dalawa't kalahating taon pahhhhhhhhhhhhhhhhh. Although nakakaaral na ulit ako ngayon (salamat kay Bagyong Egay at dalawa lang ang absent ko sa klase this week), hindi pa rin mawala sa isip ko yung tanong at hindi ko pa rin masagot kung tama nga ba itong pinasok ko. Dahil tuloy dito sa law school, limited na lang ang trabaho na pwede kong pasukan (shempre yung tatanggap sa akin dahil nag-la-law ako at yung hindi nagpapa-overtime at weekend office hours). Boohoohoo. Iyak na tayo. Sana pagpasok ko sa Tuesday eh mag-alab ulit ang pagmamahal ko sa law school.

SO ANO NGAYON ANG SOLUSYON KO

Sa Trabaho, sana makahanap na ako ng ibang trabaho. Hopefully mas malapit dito sa Q.C. kasi pamatay ang byahe pa-Makati at andaming tukso sa Greenbelt. Nag-apply ako sa Philam at sana, as in SANA TALAGA!, mapantayan man lang nila sahod ko, at matanggap nila na law istyoodent ako. Kung hindi, SANA!, makahanap na talaga ako ng ibang trabaho before the year ends. huhuhu. Dapat na ring unti-untiin iparamdam kay inay na HINDI NA TALAGA AKO MASAYA sa work para hindi na niya kontrahin ulet.

Sa Law, tatapusin ko na nga siguro, andito na eh. Sana lang, pag nakapagtapos na ako at nakapasa na ( OH YES, PAPASA AKO NG BAR, POSITIVE THINKING), mas maraming naidulot na mabuti sa buhay ko kesa sa mga naisaisantabi ko ang pagpapakapagod ko sa law.

So dapat tapusin ko na muna itong aking blog entry na ako lang naman ang nagbabasa kasi marami pa ako dapat aralin for Corpo. Nyoknyoknyok.

Amen.

Tuesday, August 14, 2007

the smarter sibling

ate: pero ako kasi maraming frustrating things din sa school
ate: kasi marami akong "responsibility" na unnecessary
JE: e di wag mo silang gawin

JE: mag-aral ka lang
mia: ganun na nga
mia: unti-unti
JE: bigay mo sa iba yung trabaho mo sa school

JE: is that hard?
JE: kasi kung yun lang marami ka namang pwedeng gawin e
mia: ang mahirap kasi
mia: de facto president ako
mia: hindi ako elected
mia: so kumbaga, wala ako talagang mandate ng class, so wala talagang authority to pinpoint people to do this and that
JE: e di walang gagawa

mia: hindi ko rin naman matitiis
JE: sino ba essentially gumawa ng role na yan anyways

mia: ako
JE: yun naman pala e

mia: hehehehe
mia: pero dati kasi okay lang
JE: so ikaw yung gumawa ng need para sa role mo

*togoink*

Monday, August 13, 2007

blahblahblah

Oh joy! I cut my 5-unit (kicked-out if I fail this) Corpo Class. I left work early of course (because it's a schoolday) but instead of taking the cab to the MRT Station to go to school, I walked towards Paseo Center and met Luanne. I had coffee, she had bread. We just talked. It's actually like therapy but without the pain in the pocket. If my mom knew about this, she might think that Luanne's influencing me to stay away from school, hahaha.

So far, it's already 8:35pm but nobody has texted me yet that I got called. This is bad. If I don't get called today, I might be absent again on Wednesday. Hahaha again. And to think that I'll be absent in Succession tomorrow. That means I should be studying for Labor on Saturday, and probably writing my digests for Transpo. But No. Not yet. I guess for now, not yet. Or maybe I should start at least reading a few pages later, if I'm not yet sleepy.

Ohmigosh, why do I suddenly not (or not yet) care? And why do I (I think) not feel guilty about doing (or not doing) all this? Tralala.

Saturday, August 11, 2007

better late than never

As mentioned in my first blog, I am already 27 years old. But this is my first time to actually have a blog page, or whatever you call this. I'm so happy with my page, even if it's just a template. And I can even post the "personality tests" I've taken.

I know how to blog, nyanyanyanyanana.